October 2011
1 post
Trip lang
Ang aking kwento para sa araw na ito ay nauna ko nang naikwento dito. Pero hayaan nyong ikwento kong muli… Nung bata pa ako, isa pa sa mga favorite pastimes ko ang umakyat sa taguan namin ng mga kumot at unan. Hindi madali yun ha kasi mataas sya. Ganu kataas? Kadikit ng kisame! Kaya din siguro ako nawiwili umakyat dun kasi feeling ko nasa attic ako pag nandun ako. Kapag andun na ako,...
Oct 18th
July 2011
1 post
Square cut
Nung bata pa ako, gustong-gusto ni Inay na maikli ang buhok ko. Hindi ko alam kung bakit parang galit si Inay sa mahabang buhok. Kahit ngayon, yung pamangkin kong lalaki naman parati nyang pinapagupitan ng semi-kalbo. Ang sarap pa naman sanang pag-eksperimentuhan ng buhok pag bata pa. Nung nakaraang bakasyon, kahit ilang beses ko ibinilin na wag pagupitan yung pamangkin ko e wala talagang ligtas....
Jul 3rd
October 2010
1 post
Sentemyento sa semento
Isang gabing naglalakad ako sa kahabaan ng kalye ng Pasong Tamo, may nadaanan akong bagong sementadong paradahan. Ewan ko ba at bigla na lang akong napangiti at naalala ko nung bagong lipat kami sa sarili naming bahay sa probinsya. Hindi ko alam kung uso din ito sa Maynila, pero nung natapos ang pagsesemento sa doorstep namin, sabi ng nanay ko kailangan naming isulat ang mga pangalan namin dun...
Oct 26th
September 2010
1 post
Gumamela 101
Tapos na ang sampung kwentong pinagsimulan nang lahat! Pero wag kayong malungkot (kung may nalungkot man, hehe) dahil madami pa akong ikukwento sa mga darating na araw. Eto nga’t may bago na akong kwento… Naisip ko lang kagabi kung nakaranas kaya gumawa ng pabula (bubbles) ang mga batang lumaki sa Maynila. Nung kabataan ko kasi sa probinsya e uso yun. Paano kamo? Ganito… 1....
Sep 28th
August 2010
5 posts
Sa bahay ni lola*
Kahit kinalakihan kong wala naman talagang nagsasabi sa akin na maganda ako kundi yung kumpare ng tatay ko na napagkamalan pa akong lalaki, e natatangi din naman yung bata sa camping na nagsabing pangit ako. Kaya naging masayang bata pa din ako hanggang sa huli (hanep sa segue, noh?). Ang pinakapaborito kong part ng kabataan ko e nung hindi pa ako pumapasok. Hindi dahil sa ayaw kong mag-aral...
Aug 30th
Pangit daw ako*
Sa school ko nung elementary, walang girl/boy scouting pero meron kaming counterpart nito na kung tawagin e Pathfindering. Nung kapanahunan ko, ang joining level e pag Grade 4 ka na. Tapos part nito ang camping na madalas ganapin sa Laguna. Pag ganitong camping, kasama lahat ng campuses nationwide kaya uso ang pakikipag-friendship. Nung Grade 4 ako, sa San Pablo ang venue. Isang araw, lunch,...
Aug 24th
Kikay kasi*
Kahit medyo boyish ako nung bata e mahilig din naman akong mag-ayos ng buhok kasi hindi uubra ang favorite cap ko (Guess na white and purple na nawala nung nanuod ako ng Ang TV concert) with my school uniform. Nag-ge-guest appearance lang ulet yun pag may P.E. So, ayun, mabalik tayo sa buhok. Wala pang Gossip Girl nun pero lagi na akong naka-headband of all sorts. Meron akong iba’t-ibang...
Aug 20th
Mahirap talagang maging pogi*
Nung Grade 2 ako, nagpunta ang pamilya namin sa bahay ng isang malayong kamag-anak sa side ng tatay ko. Pag-uwi namin sa bahay, tatawa-tawa ang tatay ko kasi sabi daw ng kumpare nya: “O, pare, isang babae at dalawang lalaki pala ang naging anak mo! Ang gandang lalaki nung isa (referring to me), mestiso a!” Ang tipikal na porma ko kasi nun e chicago bulls na shorts at maluwang na...
Aug 10th
Sa looban*
Masarap talaga manloob sa mga looban (ui, nagpapaka-catchy, hehehe) kaya matapos kong magka-blackeye e madaming beses pa din akong nagpunta dun. Hindi kasi maiwasan lalo na kapag tag-kulilis (parang kuliglig). Aba, kailangan kasama ako ng kuya ko! Eto dapat prepared na. Gumagawa kami ng panghuli sa mga insektong ito (yung malalaking klase, pa-agang naman ang tawag). Parang panungkit din ang gamit...
Aug 3rd
July 2010
4 posts
Black eye*
Gustong-gusto kong kalaro ang kuya ko nung bata pa kami. Yung ate ko kasi e medyo demure (i.e. hindi gaanong mahilig umakyat ng mga puno). Kapag yung kuya ko ang kasama ko, madaming happenings. Tulad nito: Seven years old ako noon. Isang sabado, sumama ako sa kuya ko at sa isa naming pinsang lalaki na magnakaw ng lansones sa isang looban (forest ba, ganyan) malapit sa bahay namin. Sa sobrang...
Jul 27th
Inay dentista*
Hindi uso sa amin ang magpadentista noong kabataan ko. Kasi kayang-kaya naman bungiin ni inay ang mga ngipin naming magkakapatid. Minsan nga ako na din ang nagbubunot ng sarili kong ngipin. Lalo na yung mga bag-ang na may sira at halos isang hibla na lang ng laman ang nagkakapit nito sa aking gums. Pinaka-memorable syempre yung first time ko mawalan ng ngipin nung Kinder. Yung two front teeth ko...
Jul 20th
Taas ang kamay ng iyakin*
Ako ang pinakaiyakin sa klase namin nung Kinder ako. Magngangangawa muna ako bago ako “pumayag” na umalis na ang inay ko. Susuhulan muna nya ako ng P5 to P10 (pag sobrang ngalngal minsan umaabot sa P20!) at promise na may dala syang laruan pag sinundo ako sa uwian. Major production number ito. Every. Day. As in kinakaladkad ako ng teacher ko papasok habang nag-iiiyak ako. May...
Jul 13th
Sabi ng tatay ko*
Madami akong kapilyahan nung kabataan ko (at hanggang ngayon). Pero may paboritong ihirit na kwento ang tatay ko: “Walang tatalo sa kapilyahan ni Almi. Hindi ko talaga malimutan nung kami ay nakasakay sa jeep. Nahulog ang hawak niyang isang piraso ng lansones. Ay hindi ko naman makita kung saan nakagulong na ilalim ng upuan. Hinding-hindi tumigil umiyak. Ay isang kaing ng lansones naman ang...
Jul 6th
June 2010
2 posts
Imaginary friends*
Nung bata pa ako, wala akong imaginary friends. Tipikal sa mga bata ang magkaroon ng mga ganun pero talagang noon pa man e weirdo na ako. Ang natatandaan ko lang e ayaw na ayaw kong nililinis ng Inay yung mga bukbok sa may bintana ng lumang bahay namin. Sabi nila ito daw yung debris kapag kinakain ng isang klase ng anay ang kahoy. Lagi kong sinasabi na friendsko yung mga bukbok na yun o kung ano...
Jun 29th
Ganito kasi yun...
Nagsimula ang lahat sa 10 kwento tungkol sa aking kabataan. Madaming natuwa. At ako naman ay ginanahang magkwento. Kaya kung may gusto kayong sisihin e sila yung mga masyadong naaliw sa mga pinagsasabi ko! Kasalanan nilang lahat ito! Haha! Pero salamat din naman sa kanila dahil napagtanto ko na napakasaya ng aking naging kabataan. Kaya minabuti ko na din na habang naaalala ko pa yun at kaya ko...
Jun 22nd